Tomorrow's gonna be a big day for me. Biruin mo, dalawang hospitals ang pupuntahan ko from westside to eastside. At 9am, aptitude exam ko sa Delos Santos. Then at 1pm, final interview ko sa Marikina Valley Medical Center. Love ko yung 2 hospitals na yon. Yung Delos Santos, dun ako nag-nursing. Yung Marikina Valley, maganda lahat at malapit lang sa house ko. Gusto ko na rin umalis sa current na pinagvo-volunteeran ko eh. Kase wala ko natututunan. Puro taga-abot lang ng mga hinahanap ng mga surgeon at staff. Di kase nami-meet expectations ko in a training hospital. It's like a survivor's island. It's a jungle out there. Tsaka parang bad shot na ko sa HN dun. Baka kase hindi pantay kulay ng scrub suit ko na pants and blouse. Dark blue yung pants, light blue naman yung blouse. Mami-miss ko dun yung food sa canteen tsaka yung cute na nurse sa 2nd floor na kamukha ni Mark Fernandez. Nakikita ko lang sya pag inuutusan ako pumunta sa pharmacy. In fairness, napawi pagod ko tuwing makikita ko si pogi nung utusan ako ng HN ng pitong beses na akyat-manaog sa pharmacy from second to ground floor. That's it. Nothing else.
Sana nga matanggap na ko sa Marikina. February daw ang start ng Batch 6. At sana matanggap na ko sa Delos Santos as a staff nurse para may sweldo na ko ulit. Ang hirap ng walang income. Ni pambili ng napkin wala ako. Ayoko naman bawasan ang kakarampot kong savings. Mag-loan kaya ako sa SSS or sa Cooperative? Hmm. . . Nahihiya din kase akong humingi na kay Daddy. Dapat ako na ang nag-aabot sa kanya ng pera. It's pay back time na dapat. Sana nga magka-work nako sa hospital. Makapag-review na nga for tomorrow. Memorize ko pa pala yung Patient's Bill of Rights, Sites of Pulse, Rights of Administering Drugs, and Flow Rate Computation.
No comments:
Post a Comment