This is not an angst-ridden blog, so just sit there and relax as you read on the story of my life.
Search This Blog
Monday, January 4, 2010
Bagong taon, bagong career
Happy talaga ang New Year ko dahil sa marami akong nakain nung bisperas ng bagong taon. Nakikain lang ako sa bahay ng aking minamahal na Ron-ron at one-to-sawa na internet sa kanilang bahay. Any new year's resolution for me? Eto na lang, I must avoid procrastinating plans and to-do's para umandar na ang aking napiling bagong career--nursing. Dahil dyan, nag-resign ako sa aking trabaho at sa darating na lunes ay orientation ko na sa MCGH (google nyo na lang ano 'to at san 'to). Ang choice ko na area ay ang OR (operating room). Bakit OR, kase sa OR laging malinis at usually the patient is under the magic spell of anesthesia. Pabor na pabor sa akin dahil maiiwasan kong mahawa sa mga contagious diseases. Ang tanging puproblemahin ko na lang ay ang mga tyrant na scrub nurses at demanding na mga surgeons (na minsan daw ay nambabato ng mga instrumento--wag naman po!). Kailangan ko na ulit buklatin ang inaagiw at maalikabok na mga nursing books para hindi ako mapahiya sa loob ng hospital. Anyway, I should be confident now because I have the licenses (PRC and IVT) and training certificates to empower me in facing nursing responsibilities.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment