Back then, twice a week kami nagpupunta ng Tagaytay. Twice a month kami nakakapag-beach sa Puerto Galera. Safe pa tumawid ng dagat ang mga katig na bangka dati. Hindi pa laganap ang global warming.
Weekly din ang inuman kasama friends sa bar, sa bahay, sa gasolinahan, sa beach, sa bar ng barkada, at kung saan-saan pa. Lahat ng happenings ginagawang okasyon para mag-inom--bday, graduation, despedida, departure, arrival, mga ganon.
Hindi pa uso facebook noon, Friendster pa lang. Pero sa barkada namin hindi uso Friendster. Dapat Friendster Live! Ang dami namin nakikilala sa gatherings pero hanggang inuman lang. Favorite ko ang San Mig Light. Sa likod ng sticker ng San Mig ang mantra namin ng friend ko: "When the night is ___ and it's time for rest, Let there be San Mig Light" or something like it. Iniipon namin label ng San Mig kada inuman dahil sa mantrang nakasulat sa likod nun.
Madalas kami mag-emote, umiyak, mang-away ng mga umaaway sa friends namin. Minsan, we do things para makapaghiganti sa mga heartbreakers na yan. Tao lang din kami na marunong masaktan.
Nakakapagod din naman ang ganung buhay. Nakakasawa din ang puro fun. Nakakasawa din ang puro heartbreaks. Hindi pa ako marunong mag-alaga ng relasyon noon. Selfish and childish ako. Puro ako lang dapat masunod. Ka-immaturan kumbaga.
Hanggang sa darating ang araw na biglang mababago ang lahat. Kakabahan ka kase baka hindi mag-work ang lahat ayon sa plan mo pero you gotta do it para maiayos ang lahat sa iyo. You need to get out of your comfort zone, to be away from your friends.
Everything changed when I went back to school to pursue nursing. Hindi ganun kasaya, hindi siya fun pero at peace naman ako. May sense of contentmen, may sense of fulfillment. Pagod sa duty pero ayos lang.
Nakakapagod din pag ganun ang buhay. Pagkatapos ng gimik, what's next? Where to after here? Vicious cycle.
No comments:
Post a Comment