This is not an angst-ridden blog, so just sit there and relax as you read on the story of my life.
Search This Blog
Saturday, February 13, 2010
ICU it is
My area of assignement is the intensive care unit (ICU). Good thing I'm with the 3 of my barkadas in our batch. At least may umaalalay sa isa't isa. I was expecting sa Ward ako i-assign kase I don't have past hospital experience. Anyways, yan ang binigay sa 'kin kaya wala na kong choice. Meron pala, kaso pag umatras ka sa special areas eh iisipin daw ng mg trainers na weak ka. So I'll just take it as a challenge. Ano bang skills to develop pag ICU nurse ka? Critical thinking and acting on it as quick as you can. Why? Kase ang mga patients sa ICU are usually 50/50 (as in 50% oxygen, 50% carbon dioxide). At pag may nag-"code" or yung may nag-hihingalo na patient at malapit na sila kay Bro, dapat mabilis kumilos at hindi dapat mataranta. Wag naman sana na baka magtago ako sa gilid pag dumating yung moment na ganyan. Dapat bibbo kid daw. Wag ipahalata na hindi ka confident or first-timer. Pero watch and learn muna ko next week. Kakabisaduhin ko na ang color ng mga IV bottles, catheters, suction tips, aalamin ang difference ng packaging ng sterile water for injection vs lidocaine kase magkamukha at magkakulay sila halos. aalamin ko ang bawat position ng mga emergency drugs or inotropics (a.k.a pampabuhay/pang-revive). Etc.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment