Search This Blog

Tuesday, October 11, 2011

To be or not to be

Mareregular ba ako sa November 1? That is the question. I had 2 weeks of absence due to chicken pox, 1 emergency leave due to typhoon/flood, 2 incident reports, 1 warning due to not filing leaves, and other mess I did on duty. Huhuhu. Buti na lang, mahal ako ng colleagues ko. Hindi nila ako pinababayaan at pinagkanulo.


Being a rookie entails a lot of sacrifice, hardwork, to the point na abused ka na. Given na yan eh. Lahat ng staff naranasan ang maging junior. Lahat ng staff napaiyak, napahiya, nagutom, nadehydrate, at nabigyan ng heaviest of workload. Part yan nga training. Sa dami ng toxic cases na ipapa-handle sa iyo, mahahasa ka talaga.

Petiks na nga lang ngayon dahil wala na ulit kaming patient sa ward na naka-mechanical ventilator. Tipong after mo i-suction at magfi-feed ka na, may makukuha ka pang 300mL residual na kay tagal ma-lavage kesa mag-gavage. Tapos naka-infusion pump sya at kay dami nyang blood transfusion. And I'm talking about one patient only. Hindi lang sya ang patient mo, may 5 ka pang iba na aalagaan. kung maswerte ka, my Nursing Assistant.

Bukas, duty na naman. 6-2. Sarap ng 6-2 lalo ka-duty mo head nurse. Kumpleto ang staff, may Nursing Assistant, maraming supplies, mababait lahat. Fair ang distribution ng workload (fair naman lagi eh. LOL!). At least, hindi pa ko namatayan ng pasyente. Sa awa ng Diyos. I always say a little prayer before duty.

No comments:

Post a Comment