1 week pa lang ako sa duty pero pumayat na ako agad. Ayus! At pinag-16 hours na rin ako last Friday. Buti na lang sa ICU yung OT ko at least hindi haggard. I'm still getting the hang of it. Toxic ang duty ko kagabi sa admission ko na dapat for ICU kaso the patient refused. Ayon, kanda-pagod ako sa pag-set-up ng infusion pump, pag-carry out ng 4 pages of doctor's orders, at pag-request ng 10 medications na oral and IV at kanda-kalyo daliri ko kakasulat sa chart.